Kapatid ng 3 sa 4 na batang pinaslang ng kanilang amain, hindi makakauwi ng bansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kapatid ng 3 sa 4 na batang pinaslang ng kanilang amain, hindi makakauwi ng bansa

Kapatid ng 3 sa 4 na batang pinaslang ng kanilang amain, hindi makakauwi ng bansa

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard


Nagdadalamhati rin ang kapatid sa ama ng tatlo sa apat na batang pinaslang ng kanilang amain sa Trece Martires, Cavite na si Mae Bisa.

Isang OFW sa Barcelona, Spain si Bisa at hindi makauwi sa bansa dahil sa mga inaasikasong dokumento sa bagong trabaho.

"Doon po sa mga kapatid ko, hindi ko ho magawang umuwi sa kanila sana maintindihan nila yung sitwasyon ko pero alam ko naman hindi ako nagkulang sa pagtulong sa kanila hanggang sa huli po ay gusto ko maayos ang kanilang paglilibingan," ayon kay Bisa.

Nagtungo rin siya sa isang simbahan sa Barcelona para magritik ng kandila at nagpamisa para sa mga bata.

ADVERTISEMENT

Si Mae ang pang-apat na kapatid sa ama nina Bianca, Jaclyn Joy at Conrado.

"Tuwing umuuwi po ako ng Pilipinas pinupuntahan ko po sila. Tuwing magpapadala ako ng box laging meron para sa kanila," dagdag ni Bisa.

Dahil hindi makauwi sa bansa, pinagsisindi niya ng kandila araw-araw ang mga kapatid sa kanyang tinutuluyang bahay.

Halos ipadala na rin ng OFW ang lahat ng ipon para ipangtustos sa ibang kakailanganin sa lamay at libing ng mga kapatid.

Samantala, sinagot na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalibing sa apat na magkakapatid.

Sa Huwebes, ipaghahanda ng pamilya ang ika-anim na kaarawan ni Conrado—- siya ang pinakabata sa mga nasawi.

Ihahatid ang apat sa kanilang huling hantungan sa Biyernes, Marso 17 sa Fred Fajardo-Fajardo Memorial Park sa Taysan, Batangas.


KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.