54 pang Pinoy seafarers mula Ukraine nakauwi na: DFA | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

54 pang Pinoy seafarers mula Ukraine nakauwi na: DFA

54 pang Pinoy seafarers mula Ukraine nakauwi na: DFA

ABS-CBN News

Clipboard

Nakauwi ngayong Martes ang 54 pang Filipino seafarers mula Ukraine, na kasalukuyang nakikipag-giyera sa Russia, sabi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito na ang batch na may pinakamaraming bilang na napauwi sa bansa.

Nasa 23 na barko umano ang mino-monitor ng DFA mula nang magsimula ang paglusob ng Russia sa Ukraine, 3 linggo na ang nakalilipas.

Kabilang umano dito ang Yasa Jupiter at MV Namura Queen na parehong tinamaan ng missiles sa Black Sea.

ADVERTISEMENT

Mula Pebrero 27, 247 seafarers na ang na-reptriate habang may 14 pang inaasahang darating sa Miyerkoles.

Tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Moldova kaugnay ng paglilikas ng mga Pinoy seafarer, ayon sa DFA.

Tinatayang umabot na sa 2.8 milyong tao ang lumikas mula Ukraine mula nang umpisahan itong lusubin ng Russia, base sa tala ng United Nations noong Lunes.

— May ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.