Lalaking nangholdap ng pulis gamit ang pekeng baril timbog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nangholdap ng pulis gamit ang pekeng baril timbog

ABS-CBN News
Published Mar 15, 2021 01:07 PM PHT

Huli ang isang lalaki na naaktuhang nanghoholdap ng isang pulis sa Pateros, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.

Kinilala ang suspek bilang si Jose Ian Gonzales, residente ng Antipolo City.

Ayon kay Col. Ramchirsen Haveria Jr., hepe ng Pateros police, kasama ang biktimang pulis sa mga miyembro ng station intelligence branch na nagsagawa ng surveillance operation at foot monitoring sa Bgy. Sto. Rosario-Kanluran noong Biyernes.

Nagkasa ng surveillance at monitoring sa lugar dahil sa serye ng mga holdapan doon.

ADVERTISEMENT
Bigla umanong dumating ang suspek sakay ng motorsiklo at nanutok ng baril sa pulis.

Tumakas umano ang suspek nang mapansing pulis ang kaniyang hinoholdap pero agad din siyang nahuli.

Nakuha kay Gonzales ang isang replica ng baril at 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery, use of imitation firearm at possession of illegal drugs.

–Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT