Ama ng isa sa 4 na batang pinaslang sa Cavite, nakabisita na sa burol ng anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ama ng isa sa 4 na batang pinaslang sa Cavite, nakabisita na sa burol ng anak

Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Mar 14, 2023 12:28 AM PHT

Dumating na sa burol sa Taysan, Batanagas ang totoong ama ng isa sa apat na batang pinaslang ng kanilang amain sa Trece Martires, Cavite.

Dumating na ang totoong ama ng isa sa apat na batang pinaslang ng kanilang stepfather sa Trece Martires, Cavite.
Sa Biyernes ang libing ng magkakapatid sa Fred Fajardo Fajardo Memorial Park sa Taysan, Batangas. @ABSCBNNews @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/OWIuFLXPbD
— Reiniel Pawid (@PawidReiniel) March 13, 2023

Simula nang dumating sa kapilya kung saan nakaburol ang anak, hindi na ito lumisan sa tabi ng kabaong.

Setyembre noong isang taon pa huling nakita ng ama ang 14 anyos na anak.

Pagpipiloto ang huling nabanggit na pangarap ng dalagita sa ama. Kaya naman nagsusumikap ang ama sa pagkakargador sa isang cargo company sa Maynila.

Nakatakdang ilibing ang magkakapatid sa Biyernes sa Fred Fajardo Memorial Park sa Taysan.

Patuloy naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagbibigay ng pinansyal na tulong sa pamilya ng apat na bata.

Ayon kay OWWA administrator Arnell Ignacio, higit P50,000 financial aid ang ibibigay sa pamilya.

Pinag-aaralan din ng ahensiya ang pagbibigay ng scholarship sa natirang kapatid ng apat na bata.

Nagpaabot naman ng P40,000 na tulong at kabuhayan sa pamilya ng mga bata ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Calabarzon Director Barry Chua, magiging malaking tulong ang negosyo para masustentuhan ang pangangailangan ng natirang kapatid ng mga biktima.

"'Yung mapag-iiwanan ng isang bata kasi may isa pang survivor, ine-explore natin yung negosyong babuyan," dagdag ni Chua.