Sunog sumiklab sa gusali ng mall sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Sunog sumiklab sa gusali ng mall sa Quezon City

Zyan Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Mar 14, 2022 07:25 PM PHT
|
Updated Mar 14, 2022 08:46 PM PHT
MAYNILA (UPDATE)- Nasunog ang bahagi ng gusali ng isang mall sa Aurora Boulevard sa Quezon City Lunes ng hapon.

Umabot sa unang alarma ang sunog sa gusali ng Robinsons Magnolia. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog na umabot sa unang alarma ng 5:02 p.m. at idineklarang kontrolado ng 6:05 p.m.

Ayon sa ilang tenant ng mall, sa loob ng department store nagsimula ang apoy. Una nilang napansin ang paglabas ng mahinang usok sa isang exhaust vent hanggang sa tuluyan itong lumakas.

Dito na sila sinabihan na iwanan na ang mga puwesto at lumabas ng mall, "Unti unti nakita namin na nag itim na, tapos parang may sumasabog na, doon na po pinababa ang mga tao," ayon sa isa sa mga tenant ng mall na si Mary Shawnn Quial.

Ayon pa sa ibang tenant, marami sa kanila ang dumaan sa fire exit. Bilang lamang din umano ang customer nang magsimula ang sunog.

Sabi ng firefighter na si Toni Accad na isa sa nga unang rumesponde, dumaan sila sa back entrance ng mall at umakyat sa hagdan hanggang sa ikatlong palapag kung saan makapal na ng usok.

Sumabog pa umano ang kanilang fire hose sa lakas ng pressure.

Aabot sa P8 milyon ang pinsala sa mga ari-arian. Walang namang naiulat na nasaktan na insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP. Wala pa ring inilalabas na pahayag ang pamunuan ng mall ukol sa insidente.

- ulat nina Zyan Ambrosio at Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT