FACT CHECK: 18,000, hindi 500,000 ang dumalo sa UniTeam rally sa Las Pinas- PNP | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: 18,000, hindi 500,000 ang dumalo sa UniTeam rally sa Las Pinas- PNP

FACT CHECK: 18,000, hindi 500,000 ang dumalo sa UniTeam rally sa Las Pinas- PNP

ABS-CBN INVESTIGATIVE & RESEARCH GROUP

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:58 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/03/14/20220314-fact-check.jpg

(UPDATED) Hindi totoong sa PNP galing ang tantyang umabot sa kalahating milyon ang lumabas at nagpahayag ng suporta sa tambalang Marcos-Duterte rally noong Marso 13 sa Las Pinas, ayon kay PCol Jaime Santos, Chief of Police ng PNP Las Piñas.

Taliwas ito sa pahayag ng kampo ni Marcos na hindi bababa sa 500,000 ang bilang ng mga lumabas sa kanilang bahay, sumama sa caravan, at dumalo sa grand rally sa “The Tent,” na ayon pa sa kampo ni Marcos ay mula diumano sa tantya ng PNP.

Subalit mariing itinanggi ito ni PCol. Jaime Santos, Chief of Police ng PNP Las Piñas.

“Wala po akong sinasabing ganoon. Ang totoong sinabi ko, 5,000 sa loob ng tent, 3,000 sa labas ng tent. Mayroon po kaming official report niyan,” ayon sa pahayag ni PCol. Santos sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

“Tapos estimate lang po iyong sa kalsada 8,000-10,000 po ‘yung stretch po ng Alabang-Zapote at ‘yung iba pang dinaanan,” dagdag pa ni PCol. Santos.

Ayon pa kay Santos, malabong umabot sa kalahating milyon ang dumalo sa mga aktibidades ng Marcos-Sara tandem sa lungsod noong Marso 13.

“Estimate po iyon. Walang 500,000. Kasi kung 500,000, napaka-obvious. Ano ‘yun? Lahat, buong Las Pinas andun na? Kahit naman sinong matinong pagiisip, gawa-gawa lang po iyan. Wala pong katotohanan iyan,” dagdag ni PCol. Santos.

Ayon sa 2020 Census ng Philippine Statistics Authority, nasa 606,293 lamang ang kabuuang populasyon ng Las Piñas. Tinataya namang nasa 630,872 ang projected population ng Las Piñas ngayong 2022.

Sa mahigit 600,000 na populasyong ito, tanging 291,074 lamang ang rehistradong botante sa Las Piñas sa darating na Halalan, ayon sa datos ng Comelec.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Santos, nasa 18,000 lamang ang tantya nilang kabuuang bilang ng mga lumabas sa kanilang bahay, sumama sa caravan sa Alabang Zapote Road, at dumalo sa grand rally sa loob at labas ng “The Tent.”

Sa naganap na grand rally ng Marcos Duterte noong March 13, sa Las Piñas City may sariling consolidated report ang PNP Las Piñas, dagdag ni Santos.

Ganito rin ang bilang ng crowd estimate na ibinalita ni ABS-CBN Reporter Anjo Bagaoisan na nag-cover ng rally.

Ayon sa press release na inilabas ng kampo ni Marcos umaga ng Marso 14 na may titulong “HUNDREDS OF THOUSAND JOIN UNITEAM CARAVAN, RALLY IN MUNTINLUPA AND LAS PIÑAS; 12-KILOMETER ROAD FILLED WITH SUPPORTERS."

Anila, “the total number of people who came out of their respective homes and expressed their support along the entire 12-kilometer stretch of road from Muntinlupa to Las Piñas, including those who participated in the caravan, and those who attended the grand rally at The Tent of BBM-Sara UniTeam was estimated to be five hundred thousand (500,000).”

ADVERTISEMENT

Ang maling crowd estimate na ito ay nai-report rin ng iba’t ibang news organization tulad ng Manila Bulletin at Daily Tribune.

– with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.