Kawalan ng hanapbuhay pangamba ng ilang apektado ng 'community quarantine' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kawalan ng hanapbuhay pangamba ng ilang apektado ng 'community quarantine'

Kawalan ng hanapbuhay pangamba ng ilang apektado ng 'community quarantine'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Apektado ng ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila ang mga manggagawang taga-probinsiya na sinabihan na daw ng kanilang employers na posible silang mawalan ng hanapbuhay.

Kuwento ng manggagawa na si Alex Geraya, pinatigil muna sila sa pagtatrabaho kaya uuwi muna siya sa Lucena.

"Papatawag na lang daw kami," ani Geraya.

Nagpasya umano siyang umuwi dahil sa dumaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Mas gugustuhin na lang daw niya na umuwi sa probinsiya kapiling ang pamilya.

ADVERTISEMENT

May ilan ding natanggal sa trabaho, gaya ng factory worker na si Alwin Ardales, dahil sa epekto ng COVID-19 sa mga kompanya.

Wala ring ipon si Ardales kaya ibinenta niya ang pinaghirapang motorsiklo para may pantustos sa isang buwan na walang kabuhayan.

Nauna nang nilinaw ng pamahalaan na papayagang maglabas-masok sa Metro Manila ang mga trabahador o negosyante basta't may katibayan ng employment at negosyo.

Ipatutupad ang community quarantine sa Metro Manila simula Marso 15, Linggo at magtatapos sa Abril 14, Martes bilang hakbang upang hindi kumalat ang COVID-19 sa bansa.

Nitong Sabado, 98 na ang naitalang positibo sa COVID-19 sa bansa, at 8 na ang namatay.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.