Inakalang lagnat lang, sintomas na pala ng sakit na walang lunas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inakalang lagnat lang, sintomas na pala ng sakit na walang lunas

ABS-CBN News
Published Mar 14, 2018 05:46 PM PHT
|
Updated Mar 14, 2018 05:52 PM PHT

Setyembre noong nakaraang taon nang biglang lagnatin ang walong taong gulang na si Carl Agsalud.

Dahil sa pag-aakalang lagnat lang ang sakit ng anak, ipinagpaliban ng kaniyang amang si Dennis, na noo'y nasa overnight duty, ang pag-uwi.

“Naka-confine siya sa ospital. Lagnat lang daw, sabi ng [doktor], kaya binigyan lang ng antibiotic,” kuwento ni Dennis.

Hindi bumaba ang lagnat at namanhid pa ang binti ng bata.
Hindi bumaba ang lagnat at namanhid pa ang binti ng bata.
ADVERTISEMENT
“Nanigas yung kanang paa niya, namanhid daw, hindi niya daw maigalaw, hindi niya maihakbang, tapos hindi siya makadumi tsaka makaihi,” ani Dennis.

Dalawang araw matapos isugod si Carl sa ospital, biglang nag-iba ang kilos ng bata.

Natakot ang bata sa tubig at sikat ng araw.

Nang lumabas ang resulta ng mga pagsusuri kay Carl, nagpositibo siya sa rabies.

Isa ang rabies sa mga sakit na wala pang lunas.
Isa ang rabies sa mga sakit na wala pang lunas.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman ng San Lazaro Hospital, hindi dapat isantabi ang mga kalmot o kagat ng aso dahil nagdudulot ito ng rabies, na isang nakakamatay na sakit.

“Isa ito (rabies) sa mga tinatawag na end-stage disease. One hundred percent fatal po ‘yan,” paliwanag ni De Guzman.

Hindi rin agaran ang paglabas ng sintomas ng rabies.

“Kapag takot na sa tubig, takot na sa hangin, ito po ang mga sintomas ng rabies,” ani De Guzman.

“Usually ang mga kasama sa bahay, napapansin nila, restless ang pasyente. Uneasy daw po. Galaw nang galaw. Balisa,” dagdag ng doktor.