44,000 puno ng mangga sa Pangasinan, inatake ng pesteng 'kurikong' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
44,000 puno ng mangga sa Pangasinan, inatake ng pesteng 'kurikong'

ABS-CBN News
Published Mar 14, 2018 05:43 PM PHT
|
Updated Jan 21, 2020 03:43 PM PHT

Umaaray ang mga may-ari ng manggahan sa Pangasinan dahil lahat sila ay apektado ng pesteng tinatawag na cecid fly o "kurikong."

Kuwento ng negosyanteng si Danilo Pererras, mula 10,000 kaing ng mangga ay bumaba na sa 500 ang nakukuha niya mula sa limang ektaryang manggahan sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

"P6 milyon ang lugi ko sa kurikong...Nabubulok na eh," kuwento ni Pererras.

Tinamaan ng kurikong ang nasa 44,000 puno ng mangga sa Malasiqui kaya bumagsak ng 60-70% ang produksyon nila ng nasabing produkto.

ADVERTISEMENT
Pero ayon sa Provincial Agriculture Office, kalat na ang kurikong sa probinsiya.

Pinakaapektado ang mga lugar sa Central Pangasinan tulad ng San Carlos at Sta. Barbara, na pangunahing mga producer ng mangga.

"Halos lahat ng kuwan natin ay affected ng cecid fly at ang cecid fly kasi wala pa siyang kontrol...Napakaliit kasi ng insektong ito that with your naked eye di mo siya makikita talaga kaya napakahirap makontrol," ani Provincial Agriculture Officer Dalisay Moya.

Inaasahang bababa pa ang suplay ng mangga sa Pangasinan na karaniwang ibinebenta sa mga palengke ng Metro Manila at ine-export sa ibang bansa gaya ng Amerika.

Payo ng Provincial Agriculture Office sa mga magsasaka, bawasan ang paggamit ng pesticide dahil hindi na ito tumatalab sa peste. --Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News