Maitim na usok, namataan sa Trinoma Mall

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2017 10:17 AM | Updated as of Mar 14 2017 10:25 AM

MANILA - Namataan ang makapal na usok na lumalabas sa rooftop ng Trinoma Mall sa Quezon City Martes, isang araw matapos matupok ang isang appliance warehouse nito.

Kuha ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon

Nagpadala ng mga bumbero sa mall pero napag-alamang walang sunog sa lugar, bagkus ay nag-usok lang ang ilang malalaking generator set, ayon kay Audrey Gambel, radio operator ng Bureau of Fire Protection.

Kuha ni Marcelo Ruado

Nangangalap pa ang ABS-CBN News ng ibang detalye ukol sa insidente. I-refresh ang link na ito para sa mga update.