Jeep at motor, nahulog sa gilid ng kalsada; 2 sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jeep at motor, nahulog sa gilid ng kalsada; 2 sugatan

Jeep at motor, nahulog sa gilid ng kalsada; 2 sugatan

Richmond Hinayon,

ABS-CBN News

Clipboard

SURIGAO DEL NORTE — Sugatan ang dalawang lalaki matapos mahulog ang isang jeep at isang motor sa gilid ng kalsada sa bayan ng Sison Martes ng umaga.

Sa inisyal na report ni PO3 Russel Longos, galing sa bayan ng Cantilan ang jeep at papunta sana ito sa Surigao City nang mangyari ang aksidente.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng jeep na si Ravelo Cloribel habang paliko kaya dumiretso ito sa gilid ng kalsada.

Nadamay ang isang motor na nakasalubong ng jeep. Dahil sa pagkataranta, napatalon ang drayber ng motor na si Alfredo Pajarilyo at nahulog din ang kanyang motor sa gilid ng kalsada.

ADVERTISEMENT

Agad namang dinala sa pagamutan ang dalawang drayber. Nagtamo rin ng mga galos ang mga pasahero ng jeep na kinilalang sina Ronald Orpina, Larry Salido, Alberto Pagaran, Jobert Gales, Daniel Jay Raut-Raut at Celso Ojel.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.