Lola pinatay ng sariling anak; bangkay itinapon sa Bulacan | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Lola pinatay ng sariling anak; bangkay itinapon sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Mar 13, 2023 07:20 AM PHT
|
Updated Mar 13, 2023 08:07 PM PHT
MAYNILA (UPDATE) — Natagpuan ang labi ng 67 anyos na babae na isinilid sa isang storage box at tinapon sa isang liblib na lugar sa Norzagaray, Bulacan, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.

Ayon sa imbestigasyon, pinalo umano sa ulo ang biktima ng 28 anyos niyang anak sa kanilang bahay sa Barangay Villalamok, Pasig City noong Marso 4.

Nakuhanan pa ng CCTV footage noong Marso 6 ang suspek na hinahatak ang storage box palabas ng bahay.

Makalipas ang 5 araw, natagpuan ng isang residente sa liblib na lugar sa Barangay Matictic, Norzagaray ang box, na agad nitong ini-report sa pulisya dahil sa maalingasaw na amoy.

ADVERTISEMENT
Nang puntahan ng mga tanod ang lugar, nakita nila ang box na naka-tape, at nang buksan ay bumungad sa kanila ang labi ng biktima.

Nang imbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek para makausap, doon siya umamin sa pagpatay sa sariling ina.

Sinamahan pa mismo ng suspek ang NBI sa Bulacan at itinuro kung saan iniwan ang labi ng biktima.

Ayon sa autopsy report, blunt head trauma o paulit-ulit na pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyo ng NBI, lumabas na may kinalaman sa pera at negosyo ang motibo sa pagpatay.

Nakita din umano mismo ng 6 na taong gulang na anak ng suspek ang pamamaslang sa kaniyang lola.

Pero ayon sa suspek, nakapagsalita ng hindi maganda sa kaniya ang ina matapos nilang magkaroon ng diskusyon kaya niya nagawa ang krimen.

Nang mapansing wala nang malay ang biktima, nilagay at pinagkasya ito ng suspek sa box at itinago muna sa kuwarto.

Patuloy pang iniimbestigahan ng NBI ang krimen at hinihingan ng salaysay ang pamilya ng biktima, kabilang ang 6 na taong gulang na saksi, bago isalang ang suspek sa inquest proceedings.

Inihahanda na rin ng NBI ang kasong parricide laban sa suspek.

— Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT