Mga mangingisda sa Puerto Princesa, umaaray sa presyo ng rehistro sa bangka | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Mga mangingisda sa Puerto Princesa, umaaray sa presyo ng rehistro sa bangka

Hazel Salas,
ABS-CBN News
Published Mar 13, 2018 09:54 PM PHT
PUERTO PRINCESA CITY - Idinadaing ng mga maliliit na mangingisda sa Puerto Princesa City ang mataas na halaga ng pagpaparehistro ng bangka na kailangan nila para sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Ramil Tesorio, masyadong mabigat para sa mga mangingisdang tulad niya ang bayarin.

Nasa P2,500 ang sinisingil sa mga mangingisda kahit ano pa ang laki ng bangkang kanilang ipaparehistro.

"Kami maliit lang bangka namin, 'yung iba malaki tapos pareho lang ang presyo?" ani Tesorio.
"Kami maliit lang bangka namin, 'yung iba malaki tapos pareho lang ang presyo?" ani Tesorio.
ADVERTISEMENT
Nakatakdang gumawa ng solusyon si Konsehal Victor Oliveros. Aniya, magpapasa siya ng isang resolusyon kung saan ibabatay sa laki ng bangka ang singil sa mayor's permit.

Isinasagawa ng lokal na pamahalaan ang pagpaparehistro ng mga bangka upang mapadali ang pag-monitor ng mga bangkang ginagamit sa illegal fishing.

Nitong Marso nagsimula ang pagpaparehistro ng mga bangka sa lungsod.

Nagsagawa na rin ng satellite registration sa tulong ng Bantay Dagat.

Magtatapos ang pagpaparehistro ng bangka sa huling araw ng Marso.