Ipinamahaging inodoro, pangontra sa pagdumi sa dagat ng ilang taga-Baseco | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ipinamahaging inodoro, pangontra sa pagdumi sa dagat ng ilang taga-Baseco

Ipinamahaging inodoro, pangontra sa pagdumi sa dagat ng ilang taga-Baseco

ABS-CBN News

Clipboard

Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng mga inodoro sa Baseco compound sa Maynila.

Ayon sa DOH, target nilang mapatayuan ng maayos na palikuran ang tinatayang 5,000 bahay sa Baseco na ang ilan ngayo'y umaasa sa dagat bilang instant kubeta.

Aminado ang mga opisyal ng isang barangay sa Baseco na malaking problema sa kalusugan ng mga residente ang kawalan ng palikuran sa mga bahay.

Isa si Renalyn Tarayo sa mga residenteng walang sariling palikuran sa bahay.

Nakikigamit lang siya ng kubeta sa bahay ng kamag-anak.

ADVERTISEMENT

Ganito rin ang problema ni April Navarro na anim na taon nang nagtitiis sa arinola dumumi.

Sa tabing-dagat lang din aniya nagtatapon ng dumi si Navarro.

Ikinababahala ni Sen. Cynthia Villar, chairperson ng Senate committee on environment and natural resources, ang pagtatapon ng mga taga-Baseco ng kanilang dumi sa dagat.

Ayon kay Villar, bukod sa kalusugan ng mga residente, maaaring makaapekto rin sa kalidad ng isdang nahuhuli sa dagat doon ang pagtatapon ng dumi ng tao sa tubig.

Nasa P11 milyon ang pondong inilaan ng DOH sa proyektong magpatayo ng libo-libong palikuran.

Sinisimulan nang ilatag ang mga tubo mula sa palikuran na dederetso sa malaking septic tank.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.