Bong Go, inendorso ni Inday Sara sa pagka-senador | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bong Go, inendorso ni Inday Sara sa pagka-senador

Madonna Timbal-Senajon,
ABS-CBN News
Published Mar 13, 2018 03:10 AM PHT
|
Updated Nov 20, 2018 07:14 AM PHT

Inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pagka-senador si Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go, ang kilalang right hand ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuri ni Duterte-Carpio si Go na nagtrabaho simula pa noong mayor pa ang kaniyang ama sa Davao City.

"We all know ang experience ni Bong Go sa government. He has been with PRD from since the 1990's kaya malaki na ang kaniyang experience sa pang-gobyerno," aniya.

Ang nasabing pag-endorso ikinatuwa at ikinapasalamat ni Go, lalo pa't ayon sa kaniya, inspirasyon niya ang mga Duterte sa makatotohanang pagserbisyo sa publiko.

“I am humbled by the endorsement of our beloved City Mayor Inday Sara. The Dutertes, the father, the daughter are my inspiration and the example of being a true public servant. Kahit maaga pa po pag-usapan ang politika, ni 'di ko pa po naisip ang tumakbo ngunit sa mga salitang binitawan ng ating Mayora Inday Sara, ngayon pa lang nakakataba na ng puso at nakakawala ng pagod," pahayag ni Go.

Pero ayon kay Go, maaga pa para pag-usapan ang politika.

“Masyado pa pong maaga, ni hindi ko pa naisip po 'yang bagay na 'yan at magtrabaho pa po muna ako ngayon. Una ang priority ko ang trabaho paninilbihan kay Mayor Rody at saka sa bansang Pilipinas," dagdag ni Go.

Kuwento ni Go, nag-umpisa ang lahat sa komedya ng pangulo sa kaniya.

“Siguro po, nakikita niya kung paano ako magsilbi since siya nga po 'yung inspiration ko as public servant at kung papano kami magtrabaho, siguro nakita niya before and after the Senate hearing, napag-usapan namin at medyo nagbibiro siya at na-me-mention niya about sa nangyari sa Senate. Sabi niya, you did a sterling performance sa Senate," aniya.

Pero kung sakali mang matuloy siya sa pagtakbo bilang senador, ayon sa kaniya, handa na rin siya sa nasabing katungkulan.

Dagdag ni Go, susundin niya kung ano man ang magiging desisyon ng pangulo.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Sara Duterte-Carpio
Bong Go
Rodrigo Duterte
Davao City
mayor
president
special assistant to the president
elections
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT