Kotse, nahulog sa hukay sa kalsada | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kotse, nahulog sa hukay sa kalsada
Kotse, nahulog sa hukay sa kalsada
Roxanne Arevalo,
ABS-CBN News
Published Mar 13, 2017 07:32 PM PHT

LANAO DEL NORTE - Isang kotse ang nahulog sa isang ginagawang kalsada sa bayan ng Linamon sa Lanao del Norte Lunes ng umaga.

Ayon kay Norman Ras, drayber at may-ari ng sasakyan, madilim pa nang dumaan siya sa kalsada. Wala rin umano siyang nakitang kahit anong babala sa kalsada.

Bagama't nakapagpreno si Ras, dumulas pa rin ang sasakyan at nahulog sa hukay. Nakaligtas ang lahat ng pasahero na nagtamo lamang ng mga pasa.

Ang hukay ay bahagi ng drainage project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Lanao Builders sa lugar.

Ayon kay Wallace Nur ng Lanao Builders, mayroon umanong babala sa lugar na nagsasabing may ginagawa sa kalsada.

Giit naman ni Ras, inilabas lamang ang babala matapos mahulog ang kanyang sasakyan. Gawa lamang sa plywood ang babala at mayroong ilang piraso ng reflectorized sticker.

Balak ni Ras na maghain ng reklamo sa DPWH Region 10 hinggil sa insidente.