PatrolPH

P3.4M halaga ng hinihinalang shabu nasamsam, 5 suspek huli sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2021 09:21 AM

P3.4M halaga ng hinihinalang shabu nasamsam, 5 suspek huli sa Tarlac 1
Tatlong plastic na may lamang hinihinalang shabu ang narekober mula sa 5 arestadong suspek sa buy bust operation sa Capas, Tarlac. Larawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 3

Limang katao ang inaresto ng awtoridad at aabot sa P3.4 milyon ang halaga ng nakumpiskang droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sto. Domingo 1st, sa Capas, Tarlac, Huwebes ng hapon.

Arestado sina alyas Romy, Nas, Ronald, Leo at Cory kung saan nasamsam sa kanila ang 3 plastic na may lamang hinihinalang shabu.

May bigat na halos kalahating kilo ang droga na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 5 nahuling suspek.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.