Mangingisda nasagip matapos lumubog ang bangka sa Quezon | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mangingisda nasagip matapos lumubog ang bangka sa Quezon

Mangingisda nasagip matapos lumubog ang bangka sa Quezon

ABS-CBN News

Clipboard

Isang 34-anyos na mangingisda ang nasagip ng isang ship crew matapos lumubog ang kaniyang bangka malapit sa Balesin Island, Polilio, Quezon nitong Martes.

Ayon kay Andy Rogon, kapitan ng barko, naglalayag sila galing sa bayan ng Real ng makita niya ang mangingisda na si Bismarc Rutaquio na nagpapalutang-lutang sa laot.

"Nang malapit na kami, nang approaching na po kami ng Balesin, nakita po ng aking 2nd officer na may nakaway, nahingi ng tulong. Agad pumunta sa akin, agad naming binigyan ng aksyon para matulungan yung mangingisda," ani Rogon,

Sa kwento sa kanya, nangingisda si Rutaquio nang hampasin ng malakas na alon ang bangka na naging dahilan ng pagtaob at paglubog nito.

ADVERTISEMENT

Mahigit isang oras na raw itong nakalutang sa dagat at naghihintay ng rescue.

"Medyo giniginaw na siya, bale po ay inano namin siya ng blanket, tapos first aid. Wala naman po siyang sugat," ani Rogon.

Pagdaong ng barko sa Balesin noong araw ding 'yun, agad itinurnover ang mangingisda sa mga barangay officials ng Balesin.

Labis ang pasasalamat ng mangingisda kay Rogon at sa 21 pang crew ng barko. Handa raw si Andy at ang mga kasamahan na palaging tumulong sa kahit na sinong nangangailangan.--Ulat ni Andrew Bernardo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.