OFW na ina ng magkakapatid na pinaslang sa Cavite, nakarating na sa bansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFW na ina ng magkakapatid na pinaslang sa Cavite, nakarating na sa bansa

OFW na ina ng magkakapatid na pinaslang sa Cavite, nakarating na sa bansa

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nakarating na sa Pilipinas ang overseas Filipino worker (OFW) na si Virginia Dela Peña, Sabado ng umaga.

Si Dela Peña ang ina ng apat na batang pinaslang ng kanilang amain sa Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite nitong Huwebes.

Ayon kay Dela Peña, naging masaya pa ang huli nilang pag-uusap ng mga anak dahil pinayagan siya ng kanyang employer na sa Pilipinas sana mag-Pasko ngayong taon.

"Hinihintay po talaga nila ko umuwi ngayong December sabi po kasi ng amo ko mag-vacation ako ngayong December. Hindi ko po in-expect na ganyan ang mangyari," wika ni Dela Peña.

ADVERTISEMENT

Desidido na rin ang OFW na bumalik pa ng Saudi Arabia upang matustusan ang gastusin ng isa pang anak.

"Sabi po ng aking amo, pag hindi ko pa kaya hanggang 3 months pa basta may contact ako sa kanila," dagdag ni Dela Peña.

Tiniyak naman ni Migrant Workers Assistant secretary Venecio Legaspi na sasailalim din sa health assessment ang OFW.

"Sa ngayon kailangan muna naming i-assess, importante kasi na magkaroon muna ng psychosocial intervention," dagdag ni Legaspi.

Makatatanggap din mula sa OWWA ng P20,000 cash aid sa ilalim ng "Balik-Pinas, Balik Hanapbuhay" program at P10,000 special financial assistance si Dela Peña.

Samantala, nakaburol ang apat na bata sa lugar ng kanilang biological father sa Taysan, Batangas.

Wala pang eksaktong araw kung kailan ang libing ng apat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.