Isa pang bayan sa Davao de Oro, isinailalim na rin sa state of calamity | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isa pang bayan sa Davao de Oro, isinailalim na rin sa state of calamity

ABS-CBN News
Published Mar 11, 2023 03:29 PM PHT
|
Updated Mar 11, 2023 03:48 PM PHT

Bukod sa New Bataan, nagdeklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Maragusan sa Davao de Oro dahil sa tinamong pinsala sa sunod-sunod na lindol.

Ayon sa lokal na pamahalaan, idineklara ang state of calamity nitong Sabado sa pamamagitan ng special session ng Sangguniang Bayan.

Ito'y matapos umabot na sa mahigit 1,000 na pamilya ang apektado sa Maragusan.

Sa pinakahuling ulat ng Davao Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa 157 na bahay ang totally damaged at 1,921 ang partially damaged sa Davao de Oro dahil sa lindol.

ADVERTISEMENT
Nasa 6,459 na pamilya rin ang kabuuang apektado ng lindol sa Davao de Oro.

Simula noong Marso 6, na unang nangyari ang pagyanig, nakapagtala na ang mga awtoridad ng 1,300 na lindol sa Davao de Oro, kung saan 32 nito ang naramdaman. Pinakamalakas noong Marso 7 ng hapon na umabot sa magnitude 5.9 ang lakas ng pagyanig.

Noong Huwebes, binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Davao de Oro para kumustahin at mamahagi ng ayuda sa mga apektado ng lindol.

Nakipagpulong siya sa mga taga-10th Infantry Division Philippine Army para mapag-usapan ang pagpapalawak sa logistics operations at disaster preparedness ng gobyerno.

Sa tala ng DSWD XI, nakapagbahagi na sila ng food at non-food assistance sa 5,953 na pamilya at aabot na sa mahigit P10 milyon ang halaga ng mga ayuda ang kanilang naibigay. -- Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT