Mga pantalan, paliparan patuloy ang mga hakbang vs COVID-19 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pantalan, paliparan patuloy ang mga hakbang vs COVID-19

Mga pantalan, paliparan patuloy ang mga hakbang vs COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Uuwi sa Cebu si Cristina Suarez kasama ang 3 buwang anak para makaiwas muna sa maraming tao bilang pag-iingat sa coronavirus disease (COVID-19).

"Natakot po kami sa coronavirus. Hindi po kami puwede sa maraming tao. Marami pong tao dito sa Maynila," ani Suarez sa panayam ng ABS-CBN News.

Tiniyak ng pamunuan ng Manila North Harbour – kung saan sasakay si Suarez – na may mga hakbang sila para matiyak na ligtas at malinis ang pantalan.

Kabilang dito ang pagtingin sa body temperature ng mga pumupunta sa pantalan at paglalagay ng alcohol dispensers sa bawat check-in counter.

ADVERTISEMENT

Balak din ng pamunuan na maglagay ng isolation tents.

"Very high risk itong lugar namin in case someone gets a [temperature reading] of 37.7 and above doon [sa isolation tents] muna natin ilalagay. Hindi muna natin siya isasama sa crowd," ani Marlon Villaralvo, head ng safety, environment and security sa Manila North Harbour.

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), maya't maya ang pagpupunas at pag-spray ng alcohol sa lahat ng posibleng hawakan at tambayan ng mga pasahero.

Nakaka-24 gallons umano ng alcohol na panglinis ang NAIA kada araw, at hindi rin daw nawawalan ng laman ang mga alcohol at sanitizer dispenser sa mga palikuran.

"Ngayon po ang paglilinis natin, we have it so often; kung puwede every 30 minutes kung puwede every 5 minutes depende sa sitwasyon but we try to do it as often as we could. Makikita mo 'yung ating mga naglilinis," ani Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.

ADVERTISEMENT

Panay rin ang paglilinis sa loob ng eroplano tulad ng ginagawa ng Philippine Airlines at Emirates.

Ang ilang jeepney driver naman ay nagsabing nililinis nila ang kanilang mga pinapasadang sasakyan bago bumiyahe.

"Talagang hindi siguro makakaiwas. Araw-araw po kami bumibiyahe. Hindi po kami kikita nang hindi bumibiyahe," anang jeepney driver na si Jun Etlandez.

Sa mga bus station, may alcohol naman sa mga ticket booth.

Kanya-kanyang diskarte naman ang mga empleyado, gaya ng dispatcher na si Jeffrey Venus na nagsusuot ng face mask.

ADVERTISEMENT

Plano namang maglagay ng pick-up points na may health officer para sa mga ruta ng bus sa Negros Occidental mula sa bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Samantala, nagsusuot na rin ng face masks at nagbabaon ng alcohol ang ilang Grab driver bilang pag-iingat.

Nagsasagawa na rin ng sanitation process ang mga tren sa Metro Manila.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.