'Hagdan ng Malayang Kamalayan', pinasinayanan sa UPLB | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Hagdan ng Malayang Kamalayan', pinasinayanan sa UPLB

Mariz Laksamana,
ABS-CBN News
Published Mar 11, 2017 04:42 PM PHT

LOS BAÑOS, Laguna - Kailanman ay hindi raw makakalimot si Yolanda Catalla sa pait na idinulot ng panahon ng Martial Law.

Kabilang ang pangalan ng kanyang kapatid na si Cristina Catalla sa mga naibaon nang kwento ng Martial Law na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang-linaw.

“No words for the pain, the loss. It feels always like it happened yesterday. So it’s very hard to talk about it, even my family, we don’t talk about it because this is what happens, we start crying,” sabi ni Yolanda.

Mas pinabibigat pa ang pangungulila ng kanilang pamilya dahil sa umano'y kawalan nang pag-angkin ng mga taong nasa likod ng pagkawala ng kanilang kaanak.

“Missing and no acknowledgement from the government not once, not then, not today,” dagdag pa niya.

Ginunita ang alala ni Cristina Catalla, kasama ang sa iba pang Martial Law victims na dating guro, mag-aaral o empleyado sa unibersidad.

Tampok naman sa programa ang “Hagdan ng Malayang Kamalayan” bilang alay at parangal sa mga naging biktima ng Martial Law. Dinisenyo ito ni Emmanuel Garibay at binigyang-buhay naman ni Lito Mondejar.

Dito rin daw kasi sa hagdang ito dating tumayo at nagtipon ang iba’t ibang samahang humubog sa kamalayan ng marami.

Ito rin umano ang magsisilbing permanenteng tanda ng patuloy na paggunita sa mga naiwan nilang adhikain.

“Tingin namin dumating na yung panahon para parangalan yung mga biktima. Gusto namin magtayo ng memorial para magsilbing inspirasyon at saka mabigyan ng gunita..magunita siya ng mga mamayan para ipagpatuloy yung kanilang mga adhikain,” sabi ni Atty. Felimon Nolasco ng Bantayog Convenor group.

Isa naman umano itong karangalan para sa mga kaanak ng Martial Law victims.

“I’m actually very honored that they thought of doing this 34 years later,” sabi ni Yolanda.

Tangkang pagpantay lamang naman daw ang inialay na Hagdan ng Malayang Kamalayan sa hindi matatawarang sakripisypo ng mga umano’y biktima ng Martial Law.