Fact Check: Misleading ang isang YouTube post sa 'planong lutuin' ang mga survey | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fact Check: Misleading ang isang YouTube post sa 'planong lutuin' ang mga survey

Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Mar 10, 2022 08:08 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:57 PM PHT

Misleading ang isang YouTube post na patanong na sinabing nadiskubre raw ni Prof. Clarita Carlos ang planong dayain ang mga survey para tumaas si Vice President Leni Robredo at di mahalata ang pandaraya sa Mayo 9.

Ginamit nitong batayan ang Facebook post ni Carlos noong Marso 9 kung saan niya sinabi ang sumusunod: “EVIL plan to cook survey numbers to justify cheating on May 9…dire consequences…sama sa lasa!” Subalit hindi nito binanggit si Robredo o sinumang kandidato.

Hindi rin ipinaliwanag ni Carlos ang batayan ng kanyang post.

Ginamit din sa YT post ang isang bahagi ng Facebook Live post ng brodkaster na si Anthony Taberna kung saan binasa niya ang post ni Carlos.

Sinabi ni Taberna na baka nga mayroong nagtatangkang magluto ng survey o mandaya dahil nakagawian na ang dayaan tuwing eleksyon.

Hindi iniugnay ni Taberna ang bise presidente sa sinabi nitong posibleng dayaan bagamat nabanggit ang pangalan ni Robredo dahil sa pag-angat sa survey.
Ang misleading post na may title na “Leni nabisto ni Prof. Clarita sa lulutuing survey at dayaan sa May 9? Ka tunying binulgar!” ay likha noong Marso 9 ng YouTube channel na Robin Sweet Showbiz.

Makalipas ang isang araw, mayroon na itong lagpas 130,000 views, 4,400 likes, at mahigit 1,000 comments.