PANOORIN: Pulis 'nagtanim' ng baril matapos ang madugong buy-bust | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Pulis 'nagtanim' ng baril matapos ang madugong buy-bust

PANOORIN: Pulis 'nagtanim' ng baril matapos ang madugong buy-bust

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 10, 2021 12:24 PM PHT

Clipboard

Iniimbestigahan ng Police Regional Office-Northern Mindanao ang "pagtatanim" umano ng baril ng isang pulis sa isang napatay na suspek matapos ang isang madugong buy-bust operation sa Valencia City, Bukidnon.

Sa video na kumakalat ngayon sa Facebook, makikita ang isang lalaking naka-suot ng long-sleeved shirt na asul malapit sa patay na suspek.

Maya-maya, meron na siyang hawak na revolver at pinaputok ng tatlong beses sa isang direksyon. Binitawan ng lalaki ang revolver at pa-simpleng itinapon sa gilid.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa nag-post, kuha ito noong Feb. 20 ng hapon sa Purok 4, Brgy. Batangan sa Valencia. Ang patay na suspek ay kinilalang si Pol Lopez Estanol, dating barangay tanod na umano'y nasangkot sa droga, at ang naka-asul ay si Patrolman Benzoin Gonzales.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya noon, napatay ang suspek matapos niyang "manlaban".

Saad ni Police Capt. Francisco Sabud Jr., spokesperson ng PRO-Northern Mindanao, ini-imbestigahan nila ang pangyayari. Hinihintay din nila umano ang recommendation mula sa Regional Internal Affairs Service 10 na magsagawa din ng imbestigasyon.

Dagdag niya, namatay si Gonzales noong Feb. 25 pagkatapos ma-operahan sa ulo dahil sa pagkakasangkot nito sa isang traffic accident.

Pinasuri na ang video sa PNP Anti-Cyber Crime Group ukol sa “authenticity” nito.

Ayon kay Sabud, ang pagpapaputok ng pulis ay hindi kasama sa briefing bago isinagawa ang operasyon.

ADVERTISEMENT

Aniya, intindihin sana ng publiko na "isolated case" lang ang umano'y pagtatanim ng baril ng pulis.

“Kasi isolated cases lang ito, may pasaway talaga, ano, na mga kasamahan natin. Pero hindi lahat,” ani Sabud.

Humihingi ng hustisya at paglilinaw ang mga residente ng Valencia at mga netizen, na nagbigay ng sari-saring reaksyon. --Ulat ni PJ dela Pena

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.