2 hinihinalang holdaper, patay sa engkwentro sa Novaliches | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 hinihinalang holdaper, patay sa engkwentro sa Novaliches

ABS-CBN News
Published Mar 10, 2020 06:14 AM PHT

Dalawang hinihinalang carnapper ang patay matapos maka engkwentro ang mga pulis sa Jonaville Subdivision, Novaliches, Quezon City. Tinangka umano ng dalawa na nakawin ang motorsiklo ng isang rider ng food delivery service @ABSCBNNews @ukgdos pic.twitter.com/XIqnETqmsm
— Jervis Manahan (@JervisManahan) March 9, 2020

Dead on the spot 2 hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan umano sa mga pulis sa San Roque St., Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

Ayon kay Police Lt. Ferdinand Geli ng Quezon City Police District 4, posibleng sangkot sa iba pang serye ng panghoholdap sa lugar ang dalawang suspek.

Kwento ng biktima na si alyas Mark, nagtatrabaho bilang rider ng isang food delivery service, galing siya sa Novaliches Bayan at pauwi na sana sa San Juan nang malaglag ang kanyang bag habang nagmamaneho.

Pansamantala siyang huminto sa tapat ng isang mall at doon siya nilapitan ng dalawang kawatan. Tinutukan siya ng baril bago tinangay ang kanyang mga gamit at motorsiklo.

Agad siyang humingi ng tulong sa mga pulis. Tiyempong natunton ang mga suspek matapos makatanggap ng report na may nagbabaklas ng plaka ng isang motorsiklo sa isang bakanteng lote sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Nagkapalitan ng putok ang dalawang panig hanggang sa mapuruhan ang dalawang suspek.

Narekober ang isang 'di pa tukoy na kalibre ng baril maging ang nakaw na motorsiklo na kinuha ng mga suspek.-Ulat nina Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News