Pasahero sugatan sa pagputok ng gulong ng tricycle sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pasahero sugatan sa pagputok ng gulong ng tricycle sa Davao City

Berchan Louie Angchay,
ABS-CBN News
Published Mar 10, 2018 09:29 AM PHT
|
Updated Nov 13, 2018 08:33 AM PHT

DAVAO CITY – Sugatan ang isang 29 anyos na lalaki matapos tumilapon nang pumutok ang gulong ng sinasakyang tricycle, Sabado ng madaling araw sa Maa dito sa siyudad.

Pauwi na sana si John Gomez at tatlo pa nitong kasamahan galing sa isang pagtitipon nang biglang nagpagewang-gewang ang sinasakyang tricycle dahil pumutok na ang isang side wheel nito sa tulin ng pagpapatakbo ng driver sa Gem Village.

Tumilapon umano si Gomez at nagtamo ng sugat sa noo at sa tuhod.

Nasira ang isang gulong ng tricycle habang ang upuan pati ibang kagamitan ng mga pasahero ay tumilapon din.
Nasira ang isang gulong ng tricycle habang ang upuan pati ibang kagamitan ng mga pasahero ay tumilapon din.
ADVERTISEMENT
Suwerte namang walang galos ang mga kasamahan ni Gomez.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis dahil tumakas ang driver ng tricycle matapos ang aksidente.

Posibleng maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries.