Unang earthquake drill ngayong taon, isinagawa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang earthquake drill ngayong taon, isinagawa

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Mar 09, 2023 10:36 PM PHT

CAMP AGUINALDO — Isinagawa nitong Huwebes ang nationwide earthquake drill bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng malakas na lindol.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at mga attached agencies nito, Department of Science and Technology (DOST), at Department of Interior and Local Government ang ceremonial pressing of button saktong alas-2 ng hapon sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) bilang hudyat ng pagsisimula ng drills sa buong bansa.

Nagsiksikan ang mga opisyal sa ilalim ng lamesa para sa duck, cover, and hold.

Nakiisa rin sa earthquake drill ang mga tauhan ng OCD, pero ang mga wala nang masilungang mesa ay ipinatong na lang ang monoblock sa ulo, habang ang iba ay folder lang ang proteksyon.

ADVERTISEMENT
Ang kunwaring eksena, tumama ang magnitude 7.2 na lindol na may intensity 8 ang lakas dahil sa paggalaw ng West Valley Fault.

Tatlong rehiyon ang apektado — ang National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon na nagkahiwa-hiwalay.

Organisado ang evacuation sa gusali hanggang sa makarating sa open ground.

“Cellphone ang una kong nakuha. ‘Yung totoo, siyempre ‘yung phone talaga at ‘yung Go bag na binigay,” ani Kristine Rondilla, isa sa mga empleyado ng OCD.

May mga kumuha ng libro para ipatong sa ulo.
May mga kumuha ng libro para ipatong sa ulo.
ADVERTISEMENT
Mayroon ding iba na folder lang ang nadampot, habang may isa na stuffed toy ang ginamit na proteksiyon sa ulo.

“Actually, ito (stuffed toy) ‘yung mas malapit sa upuan ko so ‘yun ‘yung pinang-cover ko kasi alangan maghanap pa ako ng iba,” saad ni David Edmalin, empleyado ng OCD.

Hindi tulad sa mga nakaraang earthquake drills na may reenactment sa mga posibleng pisikal na epekto ng lindol, isinasagawa lang ang functional exercises sa kunwari’y NDRRMC Command and Control Center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Dito sinasagot ng mga opisyal ng pamahalaan ang tugon sa mga posibleng scenario.

“Ang objective natin is to test the capability of government agencies to coordinate during the actual disaster or earthquake in this case, pati ‘yung communication capability natin,” ani OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Ibinida rin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang mga kagamitan at mga tauhan na handang tumugon sa disaster.

Kabilang dito ang mga rescue team na nauna nang nagamit ang kakayahan sa pagtulong sa lindol sa Turkey.

Iginiit ni DND Undersecretary Angelito de Leon na handa ang pamahalaan sa kagamitan at tauhan pero mas mainam kung handa rin ang bawat pamilya at indibiduwal para mailigtas ang sarili sa lindol.

“Disaster prepared should trickle down to families and the individual citizens to know how to react in case of a disaster,” ani de Leon.

Binigyan diin ni DOST Sec. Renato Solidum Jr. ang nangyari sa Turkey at Syria na pinadapa ng magnitude 7.8 na lindol na dapat aniya magsilbing panggising sa Pilipinas para mas maging handa.

“The lesson there is we need to make sure that our house and buildings are evaluated and structurally sound and retrofitted. Pangalawa, kailangan din nating magsanay hindi lang sa umaga kundi pati sa gabi,” ani Solidum.