Turismo sa Palawan, unti-unti nang sumisigla | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Turismo sa Palawan, unti-unti nang sumisigla

Turismo sa Palawan, unti-unti nang sumisigla

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Ikinatuwa ng mga tour guide at tour operator sa Palawan ang muling pagsigla ng turismo sa kanilang lalawigan.

Sa mga larawang ibinahagi ng tour guide na si Japhet Daco sa ABS-CBN News, kitang kita ang mga turistang nag-e-enjoy sa Calauit Safari sa bayan ng Busuanga, at sa mga lake, lagoon, at beach sa Coron.

Turismo sa Palawan
Photo credit: Japhet Daco

Isa ang Palawan sa mga patok na tourist destination sa bansa. Pero bumagsak ang turismo noong mangyari ang COVID-19 pandemic.

Kwento ni Daco na pitong taon ng tour guide, noong magsimula ang pandemya ay nakapagbigay pa siya ng tulong sa mga kasama at guests, pero kalaunan ay hindi ito naging sapat lalo't wala na siyang kinikita.

ADVERTISEMENT

Sa kasagsagan ng paghina ng turismo, tumigil muna siya sa pagiging tour guide at pumasok sa iba't ibang trabaho.

"Kung maikumpara ko po ang kita noong pandemya at walang pandemya ay napakahirap. Lahat po ng trabaho na pwedeng pasukan ay nagawa namin: online selling, barter, at nakapagtrabaho po ako sa (Department of Social Welfare and Development) at (Department of Environment and Natural Resources) for job order," ani Daco.

Turismo sa Palawan
Photo credit: Japhet Daco

Noong Nobyembre 2021 binuksang muli sa mga turista ang Coron at Busuanga, subalit muli na namang humina noong nagkaroon ng COVID-19 surge sa Metro Manila.

Pero sa huling bahagi ng Pebrero hanggang ngayong Marso, unti-unting sumigla ang sektor ng turismo, at inaasahan nilang magtutuloy-tuloy ito ngayong papasok na ang tag-araw.

"Inaasahan po naming magtutuloy-tuloy na ang pagbangon ng turismo dahil ito ang pinakaapektadong sektor noong nagpandemya. Inaasahan din po namin na sana ay patuloy pang sumigla ang kabuhayan ng bawat isa, hindi lang sa amin lugar kundi sa buong Pilipinas," ani Daco.

Nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 ang Puerto Princesa City habang Alert Level 2 naman sa nalalabing bahagi ng Palawan mula Marso 1 hanggang 15.

- Bayan Mo, iPatrol Mo via Hernel Tocmo

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.