1,000 Pinoy, maaaring magtrabaho sa Czech Republic bilang factory worker | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1,000 Pinoy, maaaring magtrabaho sa Czech Republic bilang factory worker

1,000 Pinoy, maaaring magtrabaho sa Czech Republic bilang factory worker

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 08, 2020 05:04 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bukas ang pinto ng Czech Republic para sa tinatayang 1,000 Pinoy na nais magtrabaho sa bansa bilang factory worker, kahit pa sila ay hindi nagtapos ng kolehiyo.

Ito ang tinalakay sa isang business forum na isinagawa sa tanggapan ng Ministry of Industry and Trade sa Prague, kung saan ipinakilala sa mga Czech employers ang ilang pangunahing produkto at industriya sa Pilipinas.

Ipinaabot ng mga employer sa ating embahada kung bakit gusto nila ang Pinoy workers.

"We have a very good reputation. We are known to be hardworking, generous, cheerful, masayahin ang mga Pilipino, masipag at maganda ang reputasyon dito," ani Philippine Embassy Charge d'Affaires Jed Dayang.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Rowel Barba, protektado ang mga Pinoy sa Czech Republic dahil mayroon nang kaukulang guidelines para sa minimum pay sa migrant workers.

"Ito hong pagpadala ng mga Pilipino ay sasaloob sa isang framework na protektado ang mga rights ng mga workers, kahit ho mga Pilipino ay meron pong minimum pay," ani Barba.

Sa pag-hire ng Pinoy workers sa Prague, hindi kailangan magbayad ng placement fee. Pag nakapasok ay mayroon ding food at transportation allowance, at higit sa lahat ay mayroong health insurance.

Dahil malaki ang quota na 1,000 workers sa 2018, handang tugunan ng Czech government ang karagdagang manpower staff sa embahada nito sa Pilipinas.

Sa Hunyo ang timeline para dagdagan ang kawani ng Czech Embassy para kayanin ang pag-issue ng 1,000 work visas hanggang katapusan ng taon.

ADVERTISEMENT

"The decision has been made to recently upgrade the resources allocated to the visa handling situation so that the bottleneck at this moment will be rid off, and we can have up to a thousand people by the end of this year," ani Vladan Raz, isang Czech recruiter.

Si Raz ang leading recruiter ng mga Pinoy worker sa Teleplan Electronics Plant.

Binisita ng ABS-CBN News ang planta kung saan mahigit sa 120 manggagawang Pinoy ang nagtatrabaho.

Dalawa sa kanila ay 10 taon nang empleyado ng planta at nadala na rin nila ang kanilang pamilya sa Prague.

May pending application din sila na maging permanent resident ng Czech Republic.

ADVERTISEMENT

Maliban sa factory workers, sinabi ni Dayang na mayroon ding demand para sa health workers at IT sector.

--Ulat ni Danny Buenafe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.