Protesta, selebrasyon para sa Women's Day | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Protesta, selebrasyon para sa Women's Day

Protesta, selebrasyon para sa Women's Day

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 09, 2019 03:00 AM PHT

Clipboard

Iba-iba ang paraan ng mga grupo para gunitain ngayong Biyernes ang International Women's Day na layong kilalanin ang karapatan ng kababaihan.

Sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, sabay-sabay nagsayaw ang mga raliyista para igiit ang tamang pagkilala at pagrespeto sa kanila, na dapat umanong pangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"No amount of fear, no amount of harassment will stop us from pointing out to you our rights," sabi ni Monique Wilson, global director ng grupong One Billion Rising Movement.

Ayon sa Gabriela Women's Group, hanggang ngayon ay maraming babae pa rin ang kapos sa kaalaman at oportunidad at kadalasan pang minamaliit at binabastos.

ADVERTISEMENT

"Kaya dapat tuloy pa rin natin ang laban," sabi ni Gabriela party-list Rep. Emmi De Jesus.

Sa Recto Avenue sa Maynila, idinaan ng ilan ang kanilang hinaing sa kantahan.

Selebrasyon sa probinsiya

Sa San Fernando, Pampanga, time-out muna sa pagkayod sa bahay at trabaho ang mga kababaihan dahil binigyang pugay sila ng bayan sa pamamagitan ng iba't ibang libreng serbisyo.

Labis ang tuwa ng 67 anyos na si Olivia Salvador dahil sa buong buhay niya, ngayon lang daw siya nakatikim ng masahe.

"First time ko ngayon. Ngayon ko lang natikman 'yung masaheng ganito. Masarap," sabi ng lola.

Ayon kay Amy Catacutan, hepe ng San Fernando City Gender and Development office, bahagi lamang ito ng mga ikinasang programa ng bayan para sa buong Women's Month.

"Ito ay pagbibigay recognition sa napakalaking papel ng mga kababaihan sa ating lipunan. Kung ang lahat ng mga kababaihan ay nae-empower natin, lalong bibilis ang kaunlaran ng ating bayan," sani ni Catacutan.

Bukod sa masahe, may libre ring manicure, pedicure, medical service, at pa-bingo sa mga babae.

Sa Binalonan, Pangasinan, libre sa pasahe ang mga babae sa tricycle pero ang kondisyon, dapat nakasuot sila ng purple.

"Nakakatipid. Tama lang na may libreng sakay pauwi," sabi ng residente na si Merlita Ganancial.

Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi ngayong Biyernes iikot ang mga tricycle para magsakay at maghatid sa kababaihan.


—Ulat nina Sherrie Ann Torres at Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.