Tindero, tindera sa palengke, pinagsasaksak ng 2 menor de edad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tindero, tindera sa palengke, pinagsasaksak ng 2 menor de edad

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2018 04:42 PM PHT
|
Updated Jan 08, 2020 01:05 PM PHT

Nagkalat ang dugo sa prutasan sa isang palengke sa Mandaluyong City matapos pagsasaksakin habang natutulog sa kanilang puwesto ang mag-live in partner alas-4:30 ng umaga ng Martes.

Tadtad ng tama ng kutsilyo sina Richard Pantua at Isabel Garcia matapos umanong saksakin habang natutulog ng dalawang binatilyong edad 15 at 17 taong gulang.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang dalawa pero kaagad binawian ng buhay ang lalaki dahil sa lalim ng mga tama, partikular sa leeg.

Nakaligtas naman ang babae kahit na nagtamo ng saksak sa dibdib.
Nakaligtas naman ang babae kahit na nagtamo ng saksak sa dibdib.
ADVERTISEMENT
Dahil sa mga naiwanang sumbrero at tsinelas sa crime scene, nakilala ang dalawang suspek.

Ayon sa mga kaanak ng dalawang biktima, dating errand boy ng mag-live-in partner ang mga gumawa ng krimen.

Kitchen knife ang ginamit ng dalawa sa pananaksak.

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang suspek.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pananaksak.

--Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT