Escalator sa isang mall sa Laguna nagkaaberya; 20 sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Escalator sa isang mall sa Laguna nagkaaberya; 20 sugatan

Escalator sa isang mall sa Laguna nagkaaberya; 20 sugatan

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 07, 2023 09:49 PM PHT

Clipboard

Sugatan ang ilang mall-goer sa Sta. Rosa Laguna matapos magkaaberya ang inaakyatang escalator nitong Linggo.

Sunod-sunod na umakyat ng escalator ang mga namamasyal nang biglang umurong ang escalator. Kabilang sa mga nasugatan ang ilang bata at matanda, batay sa kuha ni Bayan Patroller Francis Canedo.

Tinulungan naman sila ng security guard.

"Nakarinig kami mag sigawan malapit sa escalator, agad kami sumugod. Nag-iiyakan na mga bata mga magulang syempre karga karga mga bata," ani Canedo.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan na rin nila ang insidente.

"An incident happened in one of our escalators in SM City Santa Rosa. Our emergency response team was immediately on site and has taken all concerned customers to the hospital to have them properly examined," anila.

Aabot sa 20 ang nasungatan ayon sa Sta. Rosa Police.

"Nagka-malfunction ang kanilang escalator. Ang mga biktima na involved 21 katao, 20 dito injured, pero minor lang kanilang injuries. Ang malfunction na nangyari about po doon sa union gear ng mismong escalator," paliwanag ng imbestigador na si Serafin Inte Jr.

Pinalitan na umano ng mall ang makina ng escalator at ininspek bago buksan sa publiko.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.