Mga pananim sa GenSan, apektado ng matinding init | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pananim sa GenSan, apektado ng matinding init

Mga pananim sa GenSan, apektado ng matinding init

ABS-CBN News

Clipboard

Apektado na ng mainit na panahon ang ilang gulayan sa General Santos City.

Ang ektaryang taniman ng labuyo na binabantayan ni Boy Dela Cruz, tuyo na ang ilan sa mga ito kaya napilitan silang anihin na ang mga labuyo.

Bukod pa rito, apektado rin ang tig-kakalahating ektaryang taniman ng kamatis at ampalaya.

Ayon kay Dela Cruz, kinakabahan na sila na magtuloy-tuloy ang matinding init ng panahon.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon daw, nakakatulong lang sa kanila ang patubig ng National Irrigation Administration.

Ngunit kung magpapatupad umano ng water closure ang ahensiya, mapipilitan daw silang gamitin ang kanilang water pump.

Paliwanag naman ng NIA, ang nararansang matinding init ng panahon sa GenSan ay dulot ng umiiral pa rin ngayon sa bansa na easterlies.

Ngayong araw, pumalo sa 35.5 degrees Celsius ang pinakamainit na temperaturang naitala sa GenSan.

Katumbas ito sa 40 degrees Celsius na heat index o init na nararamadaman ng katawan ng tao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, hindi pa sila nagdedeklara ng dry season dahil may inaasahan pa silang amihan pero nakatada raw ang pagsisimula ng tag-init ngayong Marso.

Dagdag ng PAGASA, magtatagal ang tag-init ng higit isang buwan kaya lubhang apektado ang mga magsasaka.

Handa naman ang City Agriculture's Office ng GenSan sa anumang banta ng posibleng pagkakaroon ng dry spell. - ulat ni Giesaril Chai Tabunaway, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.