Mga militante hiniling ang pagpapalaya ng political prisoners | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga militante hiniling ang pagpapalaya ng political prisoners

Henry Atuelan,
ABS-CBN News
Published Mar 07, 2018 01:40 PM PHT
|
Updated Mar 07, 2018 02:13 PM PHT

MANILA - Napilitan ang pulisya na isara ang Gate 1 ng Kampo Crame sa EDSA dahil sa kilos protestang isinagawa ng mga militanteng grupo, Miyerkoles ng umaga.

Pinangunahan ng mga grupong Karapatan at Gabriela ang pangangalampag sa harap mismo ng kampo ng Pambansang Pulisya para sa pagpapalaya ng mga bilanggong politikal.

Binanatan rin ng mga nagprotesta ang pananaw ng kasalukuyang administrasyon na kalaban ang mga indibidwal at grupong pumupuna sa mga maling gawain ng mga opisyal ng pamahalaan.

Hindi rin pinalampas ng mga militante ang isyu ng karapatang pantao na binabalewala umano ng administrasyong Duterte, gayundin ang tax reform law na nagpapataas ng presyo ng mga bilihin.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT