Davao City Hall bagsak sa fire safety inspection | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Davao City Hall bagsak sa fire safety inspection

Davao City Hall bagsak sa fire safety inspection

Madonna Timbal-Senajon,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 04, 2018 11:58 AM PHT

Clipboard

Nakita ng Bureau of Fire Protection na bumagsak sa kanilang safety standards ang Davao City Hall. Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Lumalabas sa huling fire safety inspection ng Bureau of Fire Protection na bagsak kahit ang Davao City Hall sa safety standards.

Nasuring walang fire exit signs, fire alarm at fire detector ang nasabing gusali at napag-alaman ding hindi kumpleto ang mga fire extinguisher sa City Hall.

“Corrective measures [have] already been recommended,” sabi ni F/Senior Superintendent Neil Kwan Tiu, ang regional director ng BFP XI.

Aminado ang City Government of Davao sa mga kakulangan nila sa pagtupad ng fire safety standards lalo na lumang gusali na ang city hall at sa orihinal na istruktura nito, hindi na nalagyan ng fire detector, at fire alarm.

ADVERTISEMENT

Pinagplanuhan na ngayon ng lokal na pamahalaan na maglagay ng saktong mga fire exit, fire alarm at water sprinkler bilang pagsunod sa fire safety standards.

“Mu-agad pud ta sa availability sa funds, ani Erwin Alparaque, ang Building Administrator ng City Hall.

(“Magdepende rin tayo sa availability ng funds”)

Kabilang din sa kanilang bibigyan ng pansin ang pagsunod sa fire safety standards ng Sangguniang Panlungsod, City Hall Annex at iba pang mga gusali sa City Hall.

Magsasagawa rin sila ng reorientation sa mga empleyado kaugnay sa fire drill.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.