Tumaas ang presyo ng ilang klase ng isda at manok sa Muñoz Market, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News ngayong Miyerkoles.
Presyo ng isda sa Muñoz Market
• Tilapia→ P130/kilo (dati: P100-P110/kilo)
• Galunggong→ P150/kilo (dati: P180/kilo)
Samantala, nasa P140 kada kilo ngayon ang presyo ng bangus mula P160 kada kilo.
Tumaas sa P150 kada kilo mula P140 ang kada kilo ng manok sa pamilihan.
Samantala, bumaba ang presyo ng imported at local na bigas sa merkado.
Presyo ng bigas sa Muñoz Market:
• Imported→ P40/kilo (dati: P43/kilo)
• Local→ P37/kilo (dati: P40/kilo)
Paliwanag ng mga retailer, nagkaroon ng bawas na P30 kada kaban sa mga supplier nila.
Bagaman stable ang presyo ng iba pang gulay sa pamilihan ay tumaas naman ang presyo ng ilang gulay-Tagalog.
Presyo ng gulay-Tagalog sa Muñoz Market:
• Ampalaya→P100/kilo (dati: P80/kilo)
• Kalabasa→P30/kilo (dati: P40/kilo)
-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, balita, Muñoz Market, palengke, pamilihan, #PricePatrol, Muñoz Market, Quezon City, fish prices