Lalaki, binaril sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 05:07 AM | Updated as of Mar 06 2018 05:08 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Malhacan, Meycauayan, Bulacan Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Luisito Palaganas, 55-anyos.

Ayon kay SPO1 Wilfredo Pascual ng Meycauayan police, nakuhanan sa CCTV na lumabas ang biktima sa kaniyang bahay at may kinausap na lalaki.

Sinubukang pumasok ulit ng biktima ngunit hindi niya mabuksan ang gate ng compound.

Pagbalik niya sa kaniyang kausap, dito na siya pinagbabaril. Nagtamo ng tama ng bala sa likod si Palaganas.

Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.

Ayon kay Pascual, 2 taon pa lamang nakalaya ang biktima matapos itong makulong dahil sa ilegal na droga. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.