Isang uri ng halaman ipinangalan kay Sara Duterte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isang uri ng halaman ipinangalan kay Sara Duterte

Isang uri ng halaman ipinangalan kay Sara Duterte

Berchan Louie Angchay,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 06, 2018 09:07 PM PHT

Clipboard

Kulay pink, violet at puti ang indaysarae na ipinangalan kay Davao City Mayor Sara Duterte. Kuha ng University of Mindanao Institute for Biodiversity and Environment

DAVAO CITY - Ipinangalan kay Mayor Sara Duterte ang isang uri ng wax plant na nadiskubre sa Dinagat Island, Surigao del Norte noong Abril 2017.

Kulay pink, violet at puti ang hoya wax plant na pinangalanang "indaysarae" na natagpuan ng expedition team ng University of Mindanao Institute for Biodiversity and Environment.

Ayon kay Milton Medina, director ng institute, natatangi ito kumpara sa ibang uri ng wax plant na iisa lamang ang kulay.

"Luckily, ang atoang team nag-collect sila og hoya specimen from Dinagat and after that they send the materials to us... after the description, the experts will critique if this is a new species or not," aniya.

ADVERTISEMENT

(Luckily, ang ating team kumolekta ng hoya specimen from Dinagat Island and they send the materials and information to us. After making the description regarding the plant, the experts will critique it if this is a new species or not.)

Napagpasyahan ng grupo na ipangalan kay Duterte ang bulaklak dahil sa adbokasiya ng mayora na i-preserba at pangalagaan ang kalikasan.

Ayon sa mayor, nagagalak siyang napili ng grupo na sa kaniya ipangalan ang halaman.

"Well nagpasalamat ko kabalo man tanan nga ganahan ko og mga flowers and a nalipay ko dunay usa ka flower nga gipangalan sa akoa," ani Duterte.

(Well nagpapasalamat ako, alam naman natin na mahilig ako sa mga bulaklak.)

Ipapasa ng grupo ang mga impormasyong nakalap nila sa mga eksperto at hihintayin ang resulta ng pagbeberipika.

Aabot sa 300 ang uri ng wax plant sa bansa at natatangi ang bagong tuklas na species.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.