Boracay noon at ngayon: Mga nagbago sa isla, ayon sa isang residente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Boracay noon at ngayon: Mga nagbago sa isla, ayon sa isang residente

Boracay noon at ngayon: Mga nagbago sa isla, ayon sa isang residente

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 07, 2020 04:40 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kadalasang naipipinta ang larawan ng isang paraiso kapag pinag-uusapan ang isla ng Boracay.

Ilang beses na rin itong inilarawan bilang isa sa mga pinakamagandang isla sa buong mundo at pangunahing destinasyon ng mga turista sa bansa.

Pero ngayon ay iba't ibang suliranin sa kalinisan at kapaligiran ang pumepeste sa Boracay, kabilang ang mga problema sa paagusan, mga estrukturang itinayo sa easement zone at forested areas, at matinding trapiko.

May 500 negosyong pang-turismo na sa isla para sa may 2 milyong turistang bumibisita kada taon.

ADVERTISEMENT

Malayo ito sa Boracay na kinalakihan ni Elena Tosco Brugger.

Una siyang tumapak sa Boracay noong 1989 nang isama ng tiyahing bumibisita mula Amerika.

"Noong makita ko 'yong paraw, sunset, at fruit bats, sabi ko, 'Wow! This is paradise!'" kuwento ni Brugger.

Higit dalawang dekada nang nakatira sa Boracay si Brugger at aniya'y hindi pa rin umano nagbabago ang likas na ganda ng isla.

Pero inamin din ni Brugger na marami na ang nagbago.

ADVERTISEMENT

"What changed is the facade of our beach. There are more buildings, more people, more trash," aniya.

Sa aerial inspection noong nakaraang linggo, nakita ng ilang kawani ng national government na maraming estruktura ang tila hindi sumunod sa mandatory salvage zone na 25-plus-5 meters na dapat na layo ng mga gusali mula sa high tide mark ng dalampasigan.

"Nakakapanlumo, nakakapanghinayang na halos wala ka nang makita sa shoreline dahil puro structure na, katabi na agad ng dagat," ani Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año.

"Iba na 'yong kulay ng tubig, tapos makikita mo iyong nilalabasan ng sewerage," dagdag ni Año.

Nahaharap tuloy sa imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan at mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources na posible umanong nagpabaya sa pagpapanatali ng kalinisan sa isla.

ADVERTISEMENT

Nahaharap sa bantang dalawang buwang pagpapasara ang Boracay pero para kay Brugger, sana ay may mahanap na iba pang solusyon para hindi madamay ang mga negosyong sumusunod naman sa batas.

"'Yong tatlo, apat, lima na violator, idadamay mo iyong [negosyong] good and compliant," ani Brugger.

Mensahe naman ni Brugger para sa mga taga-isla ay hindi ito ang panahon para magturuan kung sino ang may sala. Sa halip ay magtulungan na lang para masimulang ayusin ang kanilang paraiso.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.