Ama ng Top 2 sa PMA Class of 2017, nagtatanim ng mais para tustusan ang anak

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2017 03:16 PM

Inanunsyo na ng Philippine Military Academy (PMA) ang mga magsisipagtapos sa klaseng Salaknib Class of 2017.

Kabilang sa mga magtatapos si Philip Viscaya, na magtatapos na ikalawa sa kanilang klase.

Lubos naman ang ligaya ng mga magulang ni Philip na sina Nestor at Maria Elena Viscaya ng Bonga, Ligao City sa napakagandang balitang natanggap ngayong Lunes.

Panganay sa anim na magkakapatid si Philip na itinataguyod ang pag-aaral ng mga magulang sa pagsasaka. 

Nagtatanim ng mais ang ama nito para lang maitaguyod ang pag-aaral ng nga anak.

Sa Miyerkules, tutulak ng Baguio ang pamilya para sa graduation ng anak.