Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon

Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 05, 2020 08:23 AM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) - Sugatan ang 2 residente at 1 fire volunteer sa sumiklab na sunog sa Barangay Tonsuya, Malabon nitong Huwebes ng madaling araw.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago maapula pasado alas-6:03 ng umaga matapos ang 3 oras.

Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil limitado ang pasukan patungo sa nasusunog na mga bahay, ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy.

Nawalan ng tahanan ang 150 pamilya at tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang natupok na ari-arian.

ADVERTISEMENT

Ayon sa residenteng si Cheryl Reyes, sa katabing bahay lang nila nagsimula ang apoy na pagmamay-ari umano ng isang Lita Quitlong.

Nagising na lang umano sila na amoy usok na at nang sumilip ay nakita na nilang may apoy ang loob ng katabing bahay.

Mabilis na lumabas ng bahay ang pamilya ni Reyes at wala nang nadala kahit na mga damit sa pagmamadali.

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News ​

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.