'Pagdukot' sa isang lalaki sa Iloilo City, nakuhanan ng video | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pagdukot' sa isang lalaki sa Iloilo City, nakuhanan ng video

Nony Basco,
ABS-CBN News
Published Mar 05, 2020 01:19 AM PHT

ILOILO CITY - Pinaiimbestigahan na ng pulisya ang videong kuha ng isang netizen kung saan makikita ang isang lalaking puwersahang isinasakay sa isang puting sasakyan sa Iloilo City.

Kuha ang video sa isang mataong kalye sa Iloilo City Martes ng hapon.

Makikita sa video ang sapilitang pagpapasakay ng tatlong lalaki sa hindi pa nakikilalang biktima sa nakaparadang puting sasakyan.

Ngunit ayon sa pulisya, walang nai-report sa kanila na insidente ng pangingidnap o abduction sa lungsod kaya't ipinag-utos na ng Police Regional Office 6 na imbestigahan ang video para malaman ang totoong pangyayari.

"Wala namang nakakaalam kung anung klaseng pangyayari yung, Was it abduction? Was it family matter? Or personal matter no? yan pa ang subject ng ating investigation," ani PRO6 spokesperson Police Lt.Col. Joem Malong.

Iniimbestigahan rin ng pulisya kung may kinalaman ang nakuhanan sa video sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit sa distrito ng Arevalo Martes ng gabi.

Subject ng naturang operasyon si Anthony William ng Nueva Valencia sa Guimaras.

Pero ayon naman sa RDEU, walang kinalaman ang kanilang operasyon sa insidenteng nakuhanan ng video.

"Their buy-bust operation is purely buy-bust operation. It has nothing to do with the alleged abduction 'no, na accordingly nakunan ng video," ani Malong.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si William kung siya ang lalaking nasa video.

Aniya, sumakay siya ng taxi nang biglang hulihin ng mga pulis.