Kawatan na nag-'viral' sa pandurukot sa mga jeep arestado | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kawatan na nag-'viral' sa pandurukot sa mga jeep arestado

Kawatan na nag-'viral' sa pandurukot sa mga jeep arestado

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 05, 2019 08:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naaresto ang isang umano ay notoryus na snatcher sa Parañaque City na noo’y nag-viral sa social media dahil sa pambibiktima ng mga pasahero ng jeep sa may Roxas Boulevard.

Nag-viral sa social media noong Enero ang video ng pang-ii-snatch umano ng suspek na si Justine Pilapil, 22, nang mahagip ng dash cam ng Facebook user na si K-Jay Maralit.

Mapapanood sa dash cam video ang paglapit ni Pilapil sa isang jeep sa gitna ng kalsada. Biglang hinablot ni Pilapil ang cellphone ng isang pasahero sabay tumawid ng daan papatakas.

Naaresto si Pilapil ngayong Biyernes nang matagpuan ng mga pulis na tila nag-aabang muli ng mga mabibiktimang pasahero.

ADVERTISEMENT

Nakasukbit pa umano sa kaniyang baywang ang isang improvised na baril.

Dating catering crew ang suspek, pero natanggal sa trabaho dahil nahuli umanong nangungupit. Labas pasok na rin siya sa kulungan dahil rin sa kasong theft, ayon sa mga pulis.

"Ito ay talagang snatcher dito sa Baclaran, Pasay atsaka dito sa Parañaque sa Barangay Tambo. At saka marami na rin siyang kaso," ani Police Lieutenant Jerry Gelisanga, commander ng Police Community Precinct 2 ng Parañaque.

Nangako ang suspek na magbabago siya sa panahong makalaya na siya.

"'Pag nakalaya ako, sir, magbabago na ko, sir, pangako ko sa sarili ko yan… Pasalamat nga ako, sir, buhay pa ako e,” aniya.

Kinasuhan ng paglabag ng Omnibus Election Code ang suspek kasabay ng umiiral na election gun ban. --Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.