Sigarilyo hinihinalang dahilan ng sunog sa 200-ektaryang gubat sa Benguet | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sigarilyo hinihinalang dahilan ng sunog sa 200-ektaryang gubat sa Benguet

ABS-CBN News
Published Mar 04, 2022 07:25 PM PHT

BENGUET – Umabot nang 2 araw bago naapula nitong Huwebes ang sunog sa gubat ng Barangay Ambuklao, Bokod, Benguet.

Kumalat sa 3 sitio ang sunog at tinatayang aabot sa 200 ektarya ng gubat ang naapektuhan.

Nasunog din ang nasa 90 rolls ng rock nets na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Bokod, sigarilyo ang nakikita nilang sanhi ng sunog. Anila, mayroon kasing mga construction worker sa lugar.

ADVERTISEMENT
Posible anilang sampahan ng reklamo ang mga indibidwal na sangkot sa pangyayari.

Naging pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil sa malakas na hangin at mainit na panahon, ayon sa BFP.

- Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes
- Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT