Lalaki arestado dahil sa 'shabu', tanim na marijuana, baril sa Ilocos Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado dahil sa 'shabu', tanim na marijuana, baril sa Ilocos Norte

ABS-CBN News
Published Mar 04, 2021 12:42 AM PHT

Arestado ang isang lalaki sa kaniyang bahay sa Barangay Juan sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte Miyerkoles ng umaga.

Armado ng search warrant, ginalugad ng mga awtoridad ang bahay ng suspek at natagpuan sa kanyang kuwarto ang isang pouch na may laman na 20 sachet ng hinihinalang shabu, at tatlong sachet ng hinihinalang dried marijuana.

May nakuha rin na caliber .38 revolver na may limang bala.

Bukod dito, nakita rin sa kaniyang bahay ang isang balde at isang paso na may nakatanim na marijuana seedlings.
Bukod dito, nakita rin sa kaniyang bahay ang isang balde at isang paso na may nakatanim na marijuana seedlings.
ADVERTISEMENT
Ayon sa hepe ng Solsona Police Station na si Police Captain Christopher Sorsano, matagal nang binabantayan ang galaw ng suspek na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa Ilocos Norte.

"Nasa listahan siya sa regional level at may mga information na sangkot pa rin siya sa drug trade," ani Sorsano.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002 at Illegal possession of firearm and ammunitions ang suspek.

- ulat ni Grace Alba
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT