DepEd naghahanda sa pagbabakuna ng mga guro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DepEd naghahanda sa pagbabakuna ng mga guro

ABS-CBN News
Published Mar 04, 2021 06:50 PM PHT
|
Updated Mar 04, 2021 07:58 PM PHT

Naghahanda na ang Department of Education sa pagbabakuna ng mga guro, ayon kay Education Secretary Leonor Briones ngayong Huwebes.

Ayon kay Briones, nakikipag-ugnayan na siya kay vaccine czar Carlito Galvez kaugnay nito.

"Ang sabi niya (Galvez), most likely second quarter maaano na 'yong sa teachers kasi inuuna iyong frontliners. Saka sa second quarter dadating na iyong ibang mga commitments, iyong ibang vaccines," ani Briones.

"May schedule na, may bilang na ang teachers, tapos taking into consideration our advocacy for pilot study [ng face-to-face classes]," dagdag ng kalihim.

Pero hindi na idinetalye ng kalihim kung kailan o ilang guro ang babakunahan.

Itinutulak ngayon ng DepEd ang pagsasagawa ng pilot test ng limitadong face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa upang matugunan ang mga hamong nararanasan sa distance learning.

"Any time that the president says go, go kami kaagad," ani Briones.

Nasa 1,579 paaralan ang nominado para sa pilot test pero ayon sa mga opisyal, mas maliit ang bilang ng mga paaralan na lalahok dito.

Kahit pa magkaroon ng limitadong face-to-face classes, mananatili pa rin ang distance learning, ayon naman kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.

"Ito kasing may limited face-to-face, siya iyong totoong blended, na talagang nagkikita ang teacher at ang bata paminsan-minsan," paliwanag ni San Antonio.

Binigyang diin ni Briones na mahalaga para sa ahensiya ang basbas at kooperasyon ng local government unit at mga magulang sa mga lugar na magsasagawa ng face-to-face classes.

"We'd like to assure the parents na we will not involve the children in the pilot if they still have worries and concerns," aniya.

PRIVATE SCHOOLS
Sa panayam naman sa TeleRadyo, sinabi ng isang samahan ng private schools na sang-ayon sila sa usapin tungkol sa face-to-face classes.

Pero nakaamba umano ang tuition hike kung hindi makakapagbigay ng tulong ang pamahalaan.

"I cannot say na wala 'yang cost implication pati 'yong mga binabanggit nating medical assistance... lahat po 'yan kung pababayaan lang natin na private schools, ang gagastos siyempre maipapasa 'yan sa mga estudyante kaya nga po kami ay nanawagan sa gobyerno ng economic intervention," ani Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) Managing Director Joseph Noel Estrada.

Ayon kay Education Undersecretary Anne Sevilla, ang buong gobyerno ang maaaring hingan ng tulong ng mga pribadong paaralan.

Sa ngayon, wala pang legal na basehan at pondo para sa subsidiya dahil nakalaan na sa mga partikular na programa at aktibidad ang 2021 budget ng kagawaran.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
Department of Education
Covid-19 vaccination
bakuna
teachers
face-to-face classes
face-to-face classes dry run
distance learning
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT