Newly-restored bell tower sa Ilocos Norte ininspeksiyon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Newly-restored bell tower sa Ilocos Norte ininspeksiyon

Newly-restored bell tower sa Ilocos Norte ininspeksiyon

Ria Galiste,

ABS-CBN News

Clipboard

Ininspeksiyon ng Diocese of Laoag at ng National Historical Commission of the Philippines ang newly-restored bell tower ng bayan ng Bacarra, Ilocos Norte. Larawan mula kay Keno Rabe

BACARRA, Ilocos Norte - May scaffoldings pa sa labas ng Bacarra bell tower nang buksan ito Miyerkoles ng umaga para mainspeksiyon ng Diocese of Laoag at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Layunin ng pag-inspeksiyon ang makita kung may dapat pang kumpunihin sa bell tower bago i-turnover sa Diocese of Laoag.

Nilagyan na ng ilaw sa bukana at paakyat ng tower. Inayos na rin ang hagdan at nilagyan ng hawakan.

Tapos na rin ang view deck kung saan matatanaw ang ganda ng buong bayan ng Bacarra.

ADVERTISEMENT

Ayon sa project-in-charge sa restorasyon, ang tower ay may taas na 29 meters. Hindi na rin ibinalik ang dome ng tower.

“Na-clear po namin sa taas, tapos with the existing structural columns po sa gitna, doon po namin sinet yung view deck,” ayon kay architect Genissa Villegas ng NHCP.

Papalagyan naman ng screen ang mga bintana para hindi makapasok ang mga paniki at ibon at hindi nila pamugaran ang tower.

Wala namang naging malaking pagbabago sa istruktura.

“Original yung mga bells kasi ang alam ng karamihan, ang bells ay nasa gitna. Pero ang mga bells ay nasa bintana. Yung gitna is the dome,” dagdag naman ni Msgr. Joey Ranjo ng Diocese of Laoag.

ADVERTISEMENT

Kapag nai-turnover na ito, ang Diocese of Laoag pa rin ang mamamahala rito. Ipauubaya naman nila ang pagbabantay sa parokya.

Kahit na-restore na ang Bacarra Bell Tower, mananatili naman sa gilid nito ang mga ruins ng istrukturang nasira ng lindol.

Ang nasabing century-old na bell tower ay kilala bilang domeless tower ng Asya at isang national cultural treasure.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.