Pilipinas kailangan ng 350,000 nurses: DOH | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pilipinas kailangan ng 350,000 nurses: DOH

ABS-CBN News
Published Mar 02, 2023 06:44 PM PHT

MANILA - Naaksidente ang asawa ni Rhea Patulay kaya madalas siya ngayon sa ospital.

Dito niya rin napansin ang kakulangan sa nurses.

"Kasi puro minsan ay trainee, siyempre pag 'yun sa gaya natin na pag alam nating training lang possible na tama or mali," ani Patulay.

Dati nang sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines na nasa 40 percent na ng mga nurse ang umalis bago pa tumama ang COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT
Pero sa datos na nakalap ng ABS-CBN Investigative and Research Group, lumalabas na kahit kasagsagan ng pandemya ay nagtuloy-tuloy ang pag-alis ng nurses.

Halos 6,000 nurses ang na-deploy noong 2020 kahit may 5,000 deployment cap ang pamahalaan at walang bagong nurses ang bansa matapos makansela ang licensure exam.

Halos 2,000 naman ang umalis mula 2021 hanggang 2022. At kung susumahin, mula 2015, makikitang mas mataas pa ang bilang ng mga umaalis kaysa sa mga bagong nurse.

"Immediate ang impact niyan. Parang tayong nabawasan ng bed capacity… Kasi ang isang nurse halimbawa can handle 1 or 8, 1 nurse is to 8 patients… 'Pag talagang pagod na sila, bigla na lang mag-a-absent 'yan eh… Marami kaming beds but then who will manage? Kung kulang kami ng nurses and limited ang pag-a-admit namin," ani PHAPI President Dr. Rene De Grano.

Ayon naman sa Department of Health, nasa 350,000 nurses ang kailangan pa ng Pilipinas.
Ayon naman sa Department of Health, nasa 350,000 nurses ang kailangan pa ng Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Hindi naman ma-deploy agad ang mga bagong nurse dahil kailangan pa rin ng hands-on training.

At ang mga magte-train sa kanila nauubos na rin ayon sa mga ospital.

Hamon naman ng Philippine Nurses Association (PNA) sa pamahalaan na ayusin ang sahod, benepisyo at iba pang problemang kinahaharap ng mga nurse dahil maaaring dadami pa ang maaakit sa mga alok ng ibang bansa.

"Marami pa tayong napag-usapan noon na tungkol sa job security, [na] still contract-of-service, still on-the-job orders. So nagfa-factor in du'n sa ganu'ng problema eh, madami. These countries will be aggressive, they will continue to be more aggressive because they see na walang ginagawa ang ating gobyerno," ani PNA President Melvin Miranda.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT