'TV Patrol' tuloy ang pagsisikap makapaghatid ng balita sa ika-35 taon nito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'TV Patrol' tuloy ang pagsisikap makapaghatid ng balita sa ika-35 taon nito

'TV Patrol' tuloy ang pagsisikap makapaghatid ng balita sa ika-35 taon nito

Sherwin Tinampay,

ABS-CBN News

Clipboard

TV Patrol

MAYNILA - Tuloy ang paghahatid ng balita sa mas dumarami pang pamamaraan at platform ng 'TV Patrol,' ang flagship newscast ng ABS-CBN, na sa 35 taon nito ay siya nang pinakamatagal na Tagalog newscast sa buong Pilipinas.

Nito lamang Enero 1, 2022, matapos ang halos dalawang taon, muling nagbalik sa free TV sa pamamagitan ng A2Z Channel ang newscast kasama ang mga anchor na sina Karen Davila, Bernadette Sembrano at Henry Omaga Diaz.

Bago ito, para palakasin pa lalo ang digital presence nito, inilunsad noong Hunyo 2021 ang siksik-sa-balitang bersiyon ng TV Patrol, ang 'TV Patrol Playback' na eksklusibong napapanood sa ABS-CBN News YouTube channel.

Ilan pa sa mga digital initiatives ng 'TV Patrol' para masigurong naaabot ang mga Pilipino nasaan man ang mga ito sa mundo ay ang paglulunsad noong 2010 ng news.abs-cbn.com/TVPatrol kung saan maaaring mapanood ang mga balita online.

ADVERTISEMENT

Pinasok din ng TV Patrol ang social media at kasalukuyan itong isa sa mga may pinakamalaking following sa hanay ng mga news publishers sa 8.8 million likes at 11.7 million followers nito sa Facebook, at sa 2.5 million followers naman sa Twitter.

Noong Mayo 5, 2020, TV Patrol ang huling programang napanood ng milyon-milyong mga Pilipino sa ABS-CBN bago mag-sign-off ang istasyon alas-7:52 ng gabi matapos mapaso ang prangkisa ng network at ipatigil ng National Telecommunications Commission o NTC ang operasyon nito sa radyo at telebisyon.

Pero dahil sa pangako ng ABS-CBN ng patuloy na paglilingkod sa taumbayan, may prangkisa man o wala, bumalik ang TV Patrol noong Mayo 7, 2020.

Sinubaybayan ng maraming Pilipino ang pagbabalik ng iconic newscast, at muli itong napanood sa cable at sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook at sa YouTube.

Sa unang gabing muling napanood ito matapos mawala sa free TV, gumawa ito ng ingay online at naging pangunahing trending topic sa Twitter.

ADVERTISEMENT

Tumabo ng mahigit 8 million views ang unang live stream ng programa sa Facebook habang umabot sa 73,000 ang mga tumutok dito nang live sa YouTube.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bukod sa naririnig noon ang TV Patrol sa AM radio stations ng ABS-CBN, naitatag rin noong dekada '90 ang iba't ibang bersiyon ng TV Patrol kung saan may regional network group o RNG.

Simula ng 'TV Patrol'

Noong Marso 2, 1987, pagsapit ng alas-6 ng gabi, sumahimpapawid sa unang pagkakataon sa ABS-CBN free TV channel 2 ang TV Patrol newscast sa pangunguna nina Mel Tiangco, yumaong Frankie 'Ka Kiko' Evangelista, Angelique Lazo at Noli 'Kabayan' de Castro.

TV Patrol

Napanood sa tahanan ng mga pamilyang Pilipino ang tinaguriang 'tabloid on air' halos isang taon matapos bumalik sa ere ang Kapamilya network noong 1986.

Nabuo ang programa nang isulong ito ng tinaguriang 'marketing genius' na si Freddie M. Garcia na naging pangulo ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

"It was a huge success from the very start because we gave them what they wanted," pahayag ni Garcia sa ika-25 anibersaryo ng TV Patrol noong 2012.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Higit isa't kalahating dekadang namayagpag sa ratings ang TV Patrol kung kaya't ito ang naging flagship program ng ABS-CBN, kauna-unahan para sa anumang TV network sa Pilipinas.

Sa loob ng higit tatlong dekada, nanguna ang TV Patrol sa paghahatid ng mga pangyayaring naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.