EXCLUSIVE: Kasambahay na minaltrato napatawad na ang dating among ambassador | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Kasambahay na minaltrato napatawad na ang dating among ambassador

EXCLUSIVE: Kasambahay na minaltrato napatawad na ang dating among ambassador

Willard Cheng,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Apat na buwan matapos mabalita ang pagmamaltrato sa kasambahay sa loob ng diplomatic residence sa Brazil, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya na tuluyan nang ipasibak si dating ambassador Marichu Mauro.

Pinagtibay ng Pangulo ang desisyon ng Department of Foreign Affairs na alisin sa serbisyo si Mauro at tanggalan ng mga benepisyo.

"I signed the document affirming the decision which metes out the penalty of dismissal from the service, with the accessory penalties of cancellation of the eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification of holding public office and bar from taking civil service examination. Iyan ho ang parusa niya," anang Pangulo.

Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ng kasambahay na si alyas "Amy" na nagpapasalamat siya sa desisyon ni Duterte.

ADVERTISEMENT

"Pagpapasalamat lang din po siguro ang masabi ko po, sir, sa lahat ng tumulong sa akin. Nagpapasalamat din po ako sa kanila. Maraming, maraming salamat din po sa Presidente po," aniya.

Kuwento ni Amy, 2018 pa nang magsimula siyang mamasukan kay Mauro matapos siyang mai-refer dito at aluking sumama sa Brazil.

Naging mabait umano sa kanya si Mauro.

Pero nang magsimula ang COVID-19 lockdown noong 2020 at sa residence na nagtatrabaho ang ambassador, nagsimula na siyang pagmalupitan nito.

"Mabait naman po siya. Ewan ko lang po, sir, kung bakit ganoon na bandang huli. Hindi ko rin nga po alam po, sir, kung bakit ganoon," sabi ni Amy.

Ayon kay Amy, simpleng mga bagay ang ikinaiinit ng ulo ng ambassador.

"Minsan po, sir, pag sa paglinis po ng banyo... Kasi gusto po niya, sir, ni Amba, 5 minutes to 10 minutes tapos na. Eh mabagal ako maglinis ng CR. Eh tatlo ang CR sa taas. Kaunti pong bagay, madali po siyang magalit," sabi ni Amy.

Pati mga hindi nakuhang sinampay, kinaiinis na raw ni Mauro.

"Halimbawa ang labahin hindi mo pa naligpit, pati sa pagsampay na hindi mo maligpit agad. Siyempre iyong iba tuyo na, tapos iyong iba basa pa. Eh iniiwan ko iyong basa sa sampayan. Eh gusto niya iligpit lahat," ani Amy.

Sa kabila ng iniindang sakit, hindi lumaban si Amy.

"Kasi siyempre amo siya, katulong ka lang. Hindi naman po ako lumalaban, ayaw ko pong mag-ano po. Hindi ko po kasi ganoon na ugali... Umiiyak na lang po ako sa kuwarto ko. Pag gabi bago ako matulog," aniya.

Isang beses lang ikinuwento ni Amy ang dinanas sa kanyang nag-iisang anak.

Single mother si Amy at ayaw niyang mag-alala ang anak.

Hindi alam ni Amy kung paano nakuha ng Globo News ng Brazil ang CCTV footage.

Ayon kay Amy, tumawag at humingi na ng tawad sa kanya si Mauro.

"[Sabi niya] 'patawarin mo ako. Hindi ko naman sinasadya ang ginagawa ko sa iyo. Nagsisisi ako,' sabi niyang ganoon. Sabi ko, 'ma'am, hindi naman po ako nagtatanim ng sama ng loob. Pinapatawad naman kita kahit ganoon nga po ang ginawa sa akin. Wala na po iyan sa akin,'" sabi ni Amy.

Wala na rin siyang balak kasuhan ang dating amo.

Sinisikap pang kunin ng ABS-CBN News ang panig ni Mauro.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, malupit ang naging pasya ng Pangulo na pagtibayin ang desisyon ng DFA laban sa isang naging maayos na diplomat.

"It was a harsh decision affirming DFA's decision and penalties to the letter against what was a fine diplomat. While her temper got the better of her in that case, she treated a self-important young diplomat the same way and his lousy character completely changed for the better."

Para hindi na maulit ang pagmamalupit, nagpasya si Locsin na ipagbawal na ang mga opisyal na na-aasign sa ibang bansa na magdala ng sariling kasambahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.